Featured

Baking.Hiking.Photography.And Anything in Between.

This is the post excerpt.

Advertisements

This is my first blog for wordpress. I done blogging before but it was just for personal documentation.

post

#Restday Feels ~ January Week 4 part 1/2

Intro: I’ve decided to make a blog diary and to record my restday’s weekly activities. Ang reason ko ay para mamonitor ko kung ano nga ba ang ginawa ko at para mamaximize ko ang aking precious day offs. If sa tingin nyo very normal day lang just skip it off at move on sa ibang blog. Hehe.. Peace!โœŒ Ang pinuproblema ko lang ay hanggang saan ang kaya kong ishare.

January 27, 2018 (Saturday)

8:00am: Maulan mula pa kagabi bago pa man ako pumasok sa work (Graveyard shift ako) pero wala naman akong nabalitaan na may bagyo sa balita. (Nag-update ako at ang weather ay epekto daw pala ng easterlies.) Ang natatandaan ko lang ay yung Mt. Mayon na nag-aalburuto hanggang ngayon.โคต (photo not mine)…

I’m working in a BPO located in Ortigas. And from here sa 32nd floor ng building namin nakikita ko na makulimlim pa rin…

10:00am: Mayamaya ay out na ako from work! Yey! At pagkatapos ay waiting for shuttle na with my MadamVisor.

At last off ko na at makakapagpahinga na naman. Marami akong gagawin, mga gawain na nagagawa ko lang pag walang pasok sa trabaho. Sinuwerte namang ang nakuha kong off this quarter ay Sat/Sun.

10:53am: Maglaba, magluto, at maglinis yan yung mga plano kong gawin. Hehe. Pero bago umuwi daan muna kami ng grocery with my MadamVisor.

I decided to cook Pork Sinigang. Bakit? Kasi maulan at gusto ko ng hot soup. Si MadamVisor opt to prepare Pancit Canton. Bakit? Yun daw request ng hubby nya.๐Ÿ˜ Well paborito ko din yun pero hindi ko pa natry lutuin saka feeling ko hindi napapanahon pero gora lang kung yun ba ang cravings eh.๐Ÿ˜‚

12:43pm: Yan yung sinigang ko, puro gulay. Haha! Paborito ko kasi kangkong, sitaw at labanos. Si Lablab naman ay talong ang pinakagusto kaso asar talo dahil may hidden gems na uod sa loob.๐Ÿ™ˆ Uod gulay naman kaya safe kaso syempre hindi nya na kakainin yung talong.๐Ÿ˜…

Nasarapan naman siya sa luto ko although syempre may comment pa din. Wag ko daw lagyan ng kalamansi ang sawsawan naming patis. Haha. Maasim na daw kasi ang sinigang tapos maasim pa din daw ang sawsawan. Hindi daw nagcocompliment. Minsan struggle talaga ang may jowang chef! Lelz! Yun kasi ang nakasanayan ko sa amin pag nagluluto nanay ko ng sinigang. Pero may point naman sya.

1:42pm: Matapos namin kumain ni Lalabs syempre ang mga furbabies naman.

Sarap ng kain nila!

At syempre malapit na umalis si jowa para magtrabaho abroad kaya tudo asikaso ako. Luto, ligpit at hugas plato. Pero ok lang and I don’t mind kasi kasama yan sa agenda ko haha.

4:01pm: Kaya hayan, laro lang muna sya ng Mobile Legend. Hehe. (Dami ko labahan at puro sabit ang apartment namin.๐Ÿ™ˆ) Pinagsasawa ko na maglaro dahil pagnasa cruise na sya puro work na naman sya at walang restday dun. At wag kayo maingay dahil sabi niya puro talo daw sya sa games nya ngayon.๐Ÿ˜œ Bleeeh! Hehe. Masaya ako na binibaby sya dahil pag ako naman humiling hindi naman ako natitiis. Give and take ika nga.

5:00pm: Tulad ng napakiusapan ko na paliguan nya ang aming furbabies. 2 weeks na kasi walang ligo. Nyaha! Nabusy kasi kami last week. Hayun at napreskuhan na ang mga alaga namin.

6:00pm: Mayamaya nagsaing si Lablab at kumain kami ng natirang Pork Sinigang as a merienda and early dinner. Maysawsawan na patis na sya ang gumawa minus the kalamansi haha!

7:00pm: Then natulog ako ng mga 3hrs.

10:00pm: Nagyaya si Lablab mag McDo. Gusto nya daw magkape. Gora! Total siya naman manlilibre. Hehe.

Nakapag-order ako ng dalawang beses. Una coffee and cheese burger with large fries. Nagulat sya bakit hindi daw ako umorder ng para sakin. Sabi ko busog pa ako. Pero dahil kapipilit nya ay nag order ulet ako. Another cheeseburger, large fries at medium soft drinks. Plus Chicken ala king na ala carte lang. Napakanin tuloy ako! Wahaha!

Yung cheese burger pinasalubong namin sa furbabies namin na mabilis pa sa alas kwatro naubos. Hehe. Hindi pa nga pala sila nag dinner.

Natulog na ulet ako. Si Lablab hayun at gising na gising pa at laro pa more!

-To be continued-

Hi! How about you? Paano ninyo inispend ang restday nyo this week?
๐Ÿ˜Š
BTW, Goodvibes sa ating lahat!โค