10|My 10th Post, Updating My Blog 08.12.18

Hello! Inupdate ko na ulet ang blog ko. Feel ko na naman magshare. At pinost ko na yung mga nasa draft na iniisip isip ko pa if ipopost ko ba or kung hindi, kaya naging late posts na hehe. Lage ko kasi iniisip kung may worth ba ung mga pinipost ko or ano iisipin ng mga taong makakabasa nito. Pero keribels na lang. Pasensya na pero sarili ko naman itong experiences at may karapatan akong ipost depende na din sa mood ko.

Hindi ako ganoon kagaling magsulat. At minsan hindi ako mapakali if may mga bagay na tumatakbo sa isip ko at gusto ko lang maexpress through writing. Minsan may mga bagay na basta gusto ko lang ding isulat.

More on positive vibes lang para masaya. Minsan may reklamo pero of course I should not dwell on it. Magiging outlet ko siguro ang pagsusulat dito to be a better me. Kung ano ang currently na ngyayari or future plans plus achievements if meron.

Sa totoo lang, nakakawala ng stress pagnaeexpress ko ang sarili ko through writing at tagalog para maslalo ko maexplain ang sarili ko sa pamamanagitan ng sariling lengwahe. Minsan pwede din taglish or english depende ulet sa mood.

Ang mga topic pwedeng everyday life, my dogs, food, baking, travel, beauty products or anything under the sun that inspires me. Even love life pwede ding maging topic hehe. So let’s continue writing at ituturing ko itong parang mga babies hanggang mahasa ako at maslalo ko pa maexpress ang sarili ko.

Promise ko din na makapagbasa ng madaming blogs na katulad ko din na nagshashare ng personal experiences nila. Ililike ko din at magcocomment. Kaya goodvibes lang!

***xoxo***

Leave a comment