04|Tax No More

Well, well, well.

Ramdam nyo ba mga beshy?

Matapos ang nakakacurious na debate kung ano mangyayare sa tax na yan. (If happy ending ba? Hehe)

Finally, naliwanagan at hindi lang yun, ramdam ko beshy ang paglaho ng tax sa aking sweldo.

Hindi ko alam if matutuwa ba or matatakot ako.

Feel na feel ko ang implementasyon ng tinatawag nilang Train Tax Law.

Na kung saan ang kumikita ng 250k pababa yearly ay tax exempted na.

Ang resulta? No tax as in 0.00.

Syempre walang duda na mapapayehey ka!

Ikaw ba naman na every pay day simula nung nagkamulat ka sa larangan ng pagbabanat ng buto ay lageng pikit mata pagnakikita mo kung gaano kalaking tax ang kinakaltas sa sahod mo.

May mga nagsasabing bilang kapalit tataas daw ang bilihin.

Well mga beshy, lage naman ng tumataas ang bilihin wala ng bago dun.

Pero yung mawala ang tax isang matinding check sa kasaysayan natin yun.

And this time we’re gaining.

Aba, kahit hindi pa ako married at wala pang junakis ay may pinag-aaral pa din naman akong kapatid at sinusuportahang magulang. (Defensive si atey! Haha)

I think fair din naman kung tutuusin.

Hindi na lang ako masyadong iinom ng softdrinks at wala naman akong balak magparetoke, hehe.

Kung sa gasolina naman, matagal ng taas baba ang presyo.

At isa pa kakaumpisa pa lang naman.

Sana maganda pa din ang bunga.

Concern din naman ako kung saan kukuha ng kapalit na pondo ang gobyerno.

But for now, let’s enjoy the fruit of our labor!

Isa pa pinag hirapan naman natin ito. Cheers!

Goodvibes sa lahat!❤❤❤

4 thoughts on “04|Tax No More”

Leave a comment